(Sikolohikal na Kagalingan) sa Dagat
Ang Psychological Wellbeing at Sea ay bahagi ng serye ng "Gabay para sa Kalusugang Pangkaisipan para sa mga Seafarer" na inilimbag ng ISWAN.
Layon nitong ipaliwanag kung ano ang positibong mental health (kalusugang pangkaisipan), psychological wellbeing (sikolohikal na kagalingan), at ang mga panganib sa iyong kapakanan na maaari mong harapin bilang isang seafarer. Sa gabay na ito, kinalap namin ang ilan sa mga pinakamatibay na ebidensya na nagbibigay ng praktikal na ideya kung paano mo mapapahusay ang iyong kalusugang pangkaisipan. Ang ISWAN ay isang charity (pandaigdigang kawanggawa) na naglilingkod sa mga seafarer na nakakaranas ng paghihirap o pagkabalisa, ano pa man ang kanilang bansang pinagmulan, lahi, paniniwala at kasarian.